every little thing is gonna be alright! |
Monday, October 02, 2006 |
wellness porcheer. i was with rhys for a very short period of time ( and i mean short) this afternoon. but i guess that is better than not seeing him or not talking to him at all. you know naman sunday is family day so kasama ko family ko.
anyway may reply ako kay pat. basahin niyo na rin kasi included ang message for everyone.
Maaring maweirdo-han kayo at sabihin ninyong "bakit si Pat ang nagsusulat dito ukol sa issue kay Rhys eh hindi na rin naman natin siya madalas nakikita?". Una sa lahat, pasensya, impyerno ang Ateneo. Pangalawa, Exactly. Hindi niyo ako masyadong nakikita ngayon pero alam ninyo na porcheer pa rin ako anuman ang mangyari, kaya malamang, naiintindihan ko ang side ng porcheer (or kung ano man ang tawag sa faction na may issue kay rhys, kasi im sure hindi naman porcheer in general) at ang side ni Rhys.-pat laughtrip ka! hindi mo na kailangang i-explain yan! hahaha!
labsuouuls: wala ka na bang balak makipag-ayos samin? - bei, hindi kita kinokorek, alam mo namang diyosa kita (echos. haha) at marahil marami na rin akong hindi alam sa kung ano man ang nangyayari (na mukhang wala naman dahil sa sinabing pagputol ng koneksyon natin sa kanya at sina mark nalang ang nakakausap niya).. alalahanin sana natin na magkakaibigan tayo, isa tayong samahan, isang pamilya, hindi ba marahil ang dapat nating tanungin ay "wala na ba talaga tayong balak mag-ayos?", sa ginamit na "phrasing" kasi, nagmumukang one sided tayo. Kahit ikaw ang gumawa ng effort kumausap, mukhang kinausap natin siya para siya ang humingi ng tawad at tayo ang magpatawad.-ay oo nga no? sorry hahaha mali yung pagkakasabi ko. thanks pat.
though, porcheer, aaminin ko, personally, disappointed ako na ang productivity (if i may quote rhys and bea) ng mga alis natin nitong mga nakaraang buwan seemingly relies on beer and you-know-what. Okay lang sana sa'kin yun if alam kong yun talaga ang bonding natin eversince, but i know we can do more.. siguro nga change, at sabi ko, we must adapt to these changes, pero.. why settle for less when you know, and you've seen that you can do and be more?-actually hindi naman puro beer and 'you-know-what-rin' e. siguro kasi yung mga major gimmicks natin mayroon talagang inuman at hithitan (haha ano ba dapat? tirahan? o hithitan? singhutan pwede ba?)
ok i'll try to be as objective as i could.
-yung gimmick noong nagpunta rito si TMAC. walang beer and you-know-what. (actually ang present lang noon ay si ed, pat david, pao, at ako)
-yung gimmick natin sa glorietta. walang beer and you-know-what.
-yung mga times na nagkikita-kita tayo sa DLSU, 'pag u-break. walang beer and you-know-what.
-yung plan nating mag-futsal (na never na natuloy). walang beer and you-know-what.
-yung plan na magboxing (na never na rin natuloy). walang beer and you-know-what.
-movie marathon (na si pao lang ang nakakasama ko. sawang sawa na ako kay pao!! at kay gio hahaha at kay ed!! nasaan ba yung iba?). walang beer and you-know-what.
-yung nanood tayo ng NBA championship sa UM. (oo pucha talo na ang dallas punyeta! haha!). walang beer and you-know-what.
alam ninyo yun? hindi ko alam kung bakit ha. pero yung mga plans natin na 'sober' tayo ay napaka-rare na natutuloy. karamihan kasi ng porcheer pumupunta lang kapag may inuman e. usually naman wala. tuwing ginagabi tayo, 'tsaka lang nagkakaroon ng inuman. pero
MARAMING lakad ang porcheer na walang involved na beer and you-know-what.
that is if considered pa rin na porcheer gimmick kahit less than 5 members ang present. ang hirap kasi mang-imbita nowadays. busy ang mga tao sa school. pucha kahit sabado kinuha na ng school e. hindi naman tayo pwedeng umalis ng linggo kasi family day.
at because of certain circumstances, ang common time na available tayo ay sa gabi. ano naman kasi ang gagawin natin sa gabi?
-ok pwede tayong manood ng DVD.
-pwede tayong umalis. punta sa gigs or parties
(remember yung embassy/jaipur natin na never na natuloy?)-or tulad ng sinabi ni donny, never ending kuwentuhan.
totoong kailangan natin ng pera, pero siguro, kahit hindi na tayo highschool, at tumaas na ang presyo ng gasolina ng bilihin, may mommy's pa rin naman diba (or wala na?), why not let's try to fit everything into each and every person's budget? kung di natin keri uminom dahil wala tayong pera, edi go, ang mahalaga naman bonding natin eh, may bread pan naman (ung oishi, masarap yun) 6 pesos lang marami na, tas coke sa plastic, mga 12 lang o ten? diba? tas kwentuhan na. Tapos, yung mga lugar lugar natin, edi yung malapitan na lang, kung san yung onti lang yung kelangang maglakbay, para tipid rin tayo sa transpo. Kaya natin to, nung high school tayo, wala tayong pera! yehey!-ay oo pat gusto ko rin yung bread pan! (PAO sabi ko sayo masarap yun e!) oo pucha food tripping na lang tayo kela mommy's!
TO PORCHEER:Whatever happened to '
Kahit saan naman tayo magpunta at kahit na anong gawin natin basta tayo-tayong porcheer ang magkakasama sure ako masaya yun.' ano ba 'yan plastikan lang ba kaya natin sinabi yan? tuluyan na bang nawala ang magic ng porcheer?
kasi sa akin nagwowork pa rin yan. sa lahat ng mga lakad ko with porcheer kahit na nagkakandamalasmalas sa umpisa, in the end ang saya.
and actually, we do not really need to be happy when we are together.
may mga times din na magkakasama tayo dahil malungkot ang isa to the point na nag-iiyakan na tayong lahat.
at oo donny marami tayong mga lakad kunsaan naglalabasan tayo ng mga sama ng loob and i do not see anything wrong with that. it does not disappoint me at all.
hindi niyo ba napapansin?
mas pa ang intensity ng pagkakaibigan natin. magakakasama tayo masaya man o hindi.
PORCHEER IS NOT ALL FUN.siguro kailangan nating itatak 'yan sa mga utak natin. bolloids kasi ng mentality natin e.
tao lang tayo.
ang porcheer ay binubuo ng mga tao lamang.
at ang tao ay nalulungkot din. nagagalit. natatae. nalilibog. at lahat na ng pwedeng maramdaman.
let us be open to that.
tanggapin man natin o hindi, may may times talaga na kailangan nating mag-iyakan, kailangan nating magsuntukan, magsigawan, magallanes.
poof! welcome to reality. COLLEGE na tayo. totoo na ito. hindi tulad noong high school, bahay bahayan lang. ngayon wala nang mediators. wala nang mga teachers na kukumbinsi sating magkabatian tayo. kailangan tayo-tayo rin ang mag-usapusap.
oo sino ba naman ako para magsabi nito e hindi ko pa nga kinakausap si gio hanggang ngayon 'di ba?
tungkol doon naman. kilala niyo naman ako magalit. nagpapalamig lang muna ako kaya ayaw ko muna siyang kausapin ngayon.
as i was saying, siyempre hindi maiiwasan diyan ang mga kampihan. thankfully may mga porcheer na mapagkumbaba talaga kaya nagagawa nilang maging neutral.
hay nako...hindi ko alam kung paano ko i-coconclude itong entry na ito!! ahhhhh!!!
PUCHA BASTA SA CHRISTMAS PARTY DAPAT LAHAT ANDOON!!!
SUMASAINYO,beabeabeabeabeabeabea
Through the years, many people have come and gone, sometimes too abruptly that
we get hurt when they do. By the hurt will be overwhelmed by brotherhood and
togetherness, like what happened in our batch. We have lived through life's ups
and downs, smiles and frowns, but the most important part is that we stuck
together through everything. It has been a long journey. To think, all these
days of us being together, I've never once thought that we would split up when
we graduate, but here we are. Some welcome the change. Some want things to stay
the same. But like it or not, we will graduate and go on our own paths. The
times we've been together, we weren't merely a batch, WE ARE A FAMILY! And
though we may be far from each other, families stick together. We must welcome
graduation -this final challenge in high school- with open minds and hearts. We
must accept it as students, as friends, as a family. So, instead of saying
"GOODBYE!" we say, "Until we meet again!" hoping that one of these days, our
roads will cross again.
January
Sino may brthday pag january??
Alana Barretto -
Blog
Alessandro Pacifici -
Blog
Annabelle Palomar -
Blog
Bea Balgomera -
Blog /
LJ /
Multiply /
MySpace
Carmina Bautista -
Blog /
Myspace
Kristal Hancock -
MySpace
Kristalyn Choa -
Blog /
Myspace
Marie Malcampo -
Blog /
Multiply
Mark Mendoza -
Blog
Patricia Pena -
Blog /
LJ /
Multiply
PunchJV -
Website
Rhys Trillanes -
PureVolume
/
MySpace
Samantha Dalrymple -
Multiply /
MySpace
Tani Carino -
PureVolume
Teng Gonzales -
Blog /
MySpace
If you would like to have your link here, please contact
Bea, Teng, Pat, or
Rhys, but don't expect it to be up the following day. Do give them at least 5
days to work on it as they are very busy kids.
Any song suggestions? Again, contact those four cute kids mentioned earlier.
February 2006
March 2006
April 2006
May 2006
June 2006
August 2006
September 2006
October 2006
November 2006
December 2006
January 2007
March 2007
August 2007