Thursday, September 28, 2006

Maaring maweirdo-han kayo at sabihin ninyong "bakit si Pat ang nagsusulat dito ukol sa issue kay Rhys eh hindi na rin naman natin siya madalas nakikita?". Una sa lahat, pasensya, impyerno ang Ateneo. Pangalawa, Exactly. Hindi niyo ako masyadong nakikita ngayon pero alam ninyo na porcheer pa rin ako anuman ang mangyari, kaya malamang, naiintindihan ko ang side ng porcheer (or kung ano man ang tawag sa faction na may issue kay rhys, kasi im sure hindi naman porcheer in general) at ang side ni Rhys.

labsuouuls: wala ka na bang balak makipag-ayos samin? - bei, hindi kita kinokorek, alam mo namang diyosa kita (echos. haha) at marahil marami na rin akong hindi alam sa kung ano man ang nangyayari (na mukhang wala naman dahil sa sinabing pagputol ng koneksyon natin sa kanya at sina mark nalang ang nakakausap niya).. alalahanin sana natin na magkakaibigan tayo, isa tayong samahan, isang pamilya, hindi ba marahil ang dapat nating tanungin ay "wala na ba talaga tayong balak mag-ayos?", sa ginamit na "phrasing" kasi, nagmumukang one sided tayo. Kahit ikaw ang gumawa ng effort kumausap, mukhang kinausap natin siya para siya ang humingi ng tawad at tayo ang magpatawad.

labsuouuls: nakausap mo na ba sila ed?
labsuouuls: hmmmm so kailan mo silang balak kausapin?

-again, nakikita natin na ang effort ay hinihingi natin kay rhys, subukan rin natin minsan na humingi tayo ng effort from us, si bea nagbigay na ng effort, through this. Hindi ba porcheer tayo rin dapat gumawa ng efforts? Si Ed at Rhys ang main usapan rito, at given na siguro na walang mauuna sa kanila (peace ed/rhys :p ), hindi kaya dapat tayo gumawa ng paraan para mag-usap sila? talk to both parties without having any stand at all. Talk to ed and explain and let him understand rhys' point and talk to rhys and let him know and understand ed's point of view.

at dahil dito, palapit na tayo ng palapit sa usapan ng LAKAD/GIMIKS.

Porcheer, masakit man isipin, intindihin, whatever, kelangan natin makita na grumaduate na tayo, lumawak na ang mundong ginagalawan natin, hindi na tayo ung dating mga bata na nakaconfine sa maliit na espasyong tinatawag na OBMontessori Center Inc. Hindi na tayo yung dating mga kiddos na kahit magkakasama araw araw, umaalis pa rin tuwing sabado. We must move on, but moving on does not mean that we must leave everything behind, we must move forward, and bring with us whatever we have. Parang mga scavengers, lakad ng lakad ng lakad, at sa bawat paglakad, dala nila ang mga basura at gamit na napulot nila along the way. Sa pag-ipon nito, unti unti tayong nagiging kumpleto, naging tunay na tao.

so what am i trying to point out here? Ang sinasabi ko lang, we are not who we were. People change, and moving on means that we have to adapt to whatever changes around us. Kung mas nakita ni rhys na mas naging tunay siya nung hindi niya tayo nakakasama, masaya ako para sa kanya dahil nadiskubre niya ang sarili niya, at mahirap yun. Pero Rhys, kung nakikita ng iba ang kasiyahan nila sa isang dahon, respetuhin natin sila, muli.. CHANGE.

though, porcheer, aaminin ko, personally, disappointed ako na ang productivity (if i may quote rhys and bea) ng mga alis natin nitong mga nakaraang buwan seemingly relies on beer and you-know-what. Okay lang sana sa'kin yun if alam kong yun talaga ang bonding natin eversince, but i know we can do more.. siguro nga change, at sabi ko, we must adapt to these changes, pero.. why settle for less when you know, and you've seen that you can do and be more? hindi natin kailangan ng beer at taho noong nagtatawanan tayo nung nilalagyan natin ng alchohol si miguel at nagsisindi ng lighter? Hindi rin natin kinailangan ng beer at taho noong nagtatawanan tayo ng nagkaissue kay sham jewatramani? Or nung umiyak tayo nung nagalit tayo kay Mr. Custodio? hindi lang ako ang nakakaramdam ng disappointment, marami pang iba.

rhys immanuel trillanes: yung porcheer nung highschool.

alam ko na kung ayaw mo uminom wag mo, kung ayaw mong humithit edi wag, pero hindi ba it still gives a certain feel kapag almost everyone does that and you don't? siguro that's why rhys felt left out.

And hindi ako pumapanig kay rhys dito ah, wala akong pinapanigan. in fact..

rhys, ano ba ang ayaw namin sayo? Was it really because you felt left out kaya you spaced out? I dont think so.. It was Mac, when you were with her, we knew you were happy, and we were happy for you too, but when things got a little blurry between you and her, it was when you started to change, a total complete change, and i know alam mo 'to. So siguro, it wasn't mainly because you felt left out kaya nagkaganito, siguro it was because you felt insecure for some reason. Alam mo ba kung ano ka nun? sa totoo lang, naasar kami sayo, late ka parati pag sasabay kay ed (tumaob ung truck ng mountain dew?), in short you were sabog, kalat, out of order, and people are starting to get affected by your ugali, you started thinking only about yourself and you made us feel as if you want us to understand you completely without thinking of how we feel (felt) about the issue and you. And then nagspark yung away niyo..

and then you realized things..

and we realized things..

labsuouuls: which includes money
labsuouuls: hindi naman katulad nung HS na magkakasama talaga tayo everyday because of school
labsuouuls: ngayon talaga kailangan may pupuntahan tayo (at transpo pa lang gastos na)

- totoong kailangan natin ng pera, pero siguro, kahit hindi na tayo highschool, at tumaas na ang presyo ng gasolina ng bilihin, may mommy's pa rin naman diba (or wala na?), why not let's try to fit everything into each and every person's budget? kung di natin keri uminom dahil wala tayong pera, edi go, ang mahalaga naman bonding natin eh, may bread pan naman (ung oishi, masarap yun) 6 pesos lang marami na, tas coke sa plastic, mga 12 lang o ten? diba? tas kwentuhan na. Tapos, yung mga lugar lugar natin, edi yung malapitan na lang, kung san yung onti lang yung kelangang maglakbay, para tipid rin tayo sa transpo. Kaya natin to, nung high school tayo, wala tayong pera! yehey!

Wah. Ang haba pa nung conversation ni Bei at Rhys, di ko na kayang himayin pa, ayan muna as of now.

Para sa akin, Rhys, kung masaya ka riyan, masaya ako para sa'yo. Pero kung maisipan mong bumalik, tatanggapin pa kita (hopefully namin, ayoko mag salita for the others).

At sana porcheer, ngayong alam na nating may ganitong mga concerns, ayusin na natin. AYLAVYA!

PS. Pinapatay na ko ng ateneo, pasensya para akong ghost. Ililibre ko kayo minsan, bday blowout. Salamat sa mga bumati pala. :)

we'll get by, with a smile...
0 comments


WITH A SMILE
Through the years, many people have come and gone, sometimes too abruptly that we get hurt when they do. By the hurt will be overwhelmed by brotherhood and togetherness, like what happened in our batch. We have lived through life's ups and downs, smiles and frowns, but the most important part is that we stuck together through everything. It has been a long journey. To think, all these days of us being together, I've never once thought that we would split up when we graduate, but here we are. Some welcome the change. Some want things to stay the same. But like it or not, we will graduate and go on our own paths. The times we've been together, we weren't merely a batch, WE ARE A FAMILY! And though we may be far from each other, families stick together. We must welcome graduation -this final challenge in high school- with open minds and hearts. We must accept it as students, as friends, as a family. So, instead of saying "GOODBYE!" we say, "Until we meet again!" hoping that one of these days, our roads will cross again.

 

CALENDAR
January
Sino may brthday pag january??

 

LINKAGES
Alana Barretto - Blog
Alessandro Pacifici - Blog
Annabelle Palomar - Blog
Bea Balgomera - Blog / LJ / Multiply / MySpace
Carmina Bautista - Blog / Myspace
Kristal Hancock - MySpace
Kristalyn Choa - Blog / Myspace
Marie Malcampo - Blog / Multiply
Mark Mendoza - Blog
Patricia Pena - Blog / LJ / Multiply
PunchJV - Website
Rhys Trillanes - PureVolume / MySpace
Samantha Dalrymple - Multiply / MySpace
Tani Carino - PureVolume
Teng Gonzales - Blog / MySpace

If you would like to have your link here, please contact Bea, Teng, Pat, or Rhys, but don't expect it to be up the following day. Do give them at least 5 days to work on it as they are very busy kids.

 

TAGBOARD


ALL TOGETHER NOW
Any song suggestions? Again, contact those four cute kids mentioned earlier.

 

ARCHIVES
February 2006 March 2006 April 2006 May 2006 June 2006 August 2006 September 2006 October 2006 November 2006 December 2006 January 2007 March 2007 August 2007