Isang Liham |
Friday, February 03, 2006 |
Minamahal kong porcheer,
Lubos akong nalulungkot sa kapalarang ating nakamit. Alam kong lahat kayo'y nakikiramay sa aking pagluluksa at nararamdaman niyo rin ang aking nararamdaman. Kahit na ba sabihin nating wala na tayong magagawa. Alam kong mayroon. Hindi pa rin ako sumusuko. Kung ang paghihirap na ito'y hahantong sa ating pagkakasamasama muli'y ayos lang kahit tuluyan nang maglaho ang aking mga mata (imagine niyo yun?) sa kakaluha. At kung hindi man tayo magkasamasama muli'y mabuti nang sinubukan nating kontrahin ang kapalaran. Ang sabi nga sa kanta "You can't win on everything but you can try." Kung hindi man dinggin ng Diyos ang ating hinihiling kontento na ako kasi alam kong nagmamahalan tayong lahat.
Tingnan niyo 'tong baliw na ito.Nagkamali akong isulat ang liham na ito habang nasa computer lab dito sa school. Tumutulo na ang mga luha saking mga mata. Hindi! Hindi 'yon ang bumabagabag sa aking isipan kundi ang pagtagas ng uhog sa aking pangong ilong. Hindi ko 'to mapunasan dahil wala akong dalang tissue. Nakakahiya naman ako.
Nahihibang na yata ako. Ngayon nama'y bigla akong natatawa . Wala akong maisip kundi ang larawan ni Bebeh (Mark) noong graduation [kung nais niyong makita'y tugunan ang pangalawang friendster account ko].
Pareho kami ni Bebeh, nais ko ring maging swan. Dito sa Ateneo, hindi uubra ang kinaugallian natin sa OBMC. Pinagtatawanan nga ako ng mga blockmates ko nung minsang isa-isa kong tinaas ang mga damit ng mga lalake upang tignan ang garter ng brief nila. Anong kakaiba roon? Hindi ba normal ang tumingin ng brief?
Pakiramdam ko tuloy isa ako taong gubat na ngayon lamang nakapunta sa Maynila. Kakaiba ang mga tao rito. Hindi katulad natin na...Paano ko nga ba mailalarawan ang porcheer? Iyan ay isang misteryong walang sinumang taong makakasagot.
Hay nako porcheer hindi ko na alam kung anu-anong mga sinulat ko rito [at sa tagalog pa]. Frustrated kasi ako sa Fil paper ko kaya rito ko na lang ibubuhos.
Paano ba yan? Kailangan ko na 'tong tapusin dito. Dumating na yung groupmate ko sa Lit report at wala pa rin akong nagagawa. Hahaha!
Hanggang sa muli porcheer.
*S
ana naman yung iba magreply sa mga texts ko. Gabi-gabi na nga ako nagpaparamdam sa inyo. Pati ba naman ako pagkukuriputan niyo. Nagtatampo ako.*Isang prinsesang lubos na umiibig sa inyong lahat [porcheer],
*
bea*
Through the years, many people have come and gone, sometimes too abruptly that
we get hurt when they do. By the hurt will be overwhelmed by brotherhood and
togetherness, like what happened in our batch. We have lived through life's ups
and downs, smiles and frowns, but the most important part is that we stuck
together through everything. It has been a long journey. To think, all these
days of us being together, I've never once thought that we would split up when
we graduate, but here we are. Some welcome the change. Some want things to stay
the same. But like it or not, we will graduate and go on our own paths. The
times we've been together, we weren't merely a batch, WE ARE A FAMILY! And
though we may be far from each other, families stick together. We must welcome
graduation -this final challenge in high school- with open minds and hearts. We
must accept it as students, as friends, as a family. So, instead of saying
"GOODBYE!" we say, "Until we meet again!" hoping that one of these days, our
roads will cross again.
January
Sino may brthday pag january??
Alana Barretto -
Blog
Alessandro Pacifici -
Blog
Annabelle Palomar -
Blog
Bea Balgomera -
Blog /
LJ /
Multiply /
MySpace
Carmina Bautista -
Blog /
Myspace
Kristal Hancock -
MySpace
Kristalyn Choa -
Blog /
Myspace
Marie Malcampo -
Blog /
Multiply
Mark Mendoza -
Blog
Patricia Pena -
Blog /
LJ /
Multiply
PunchJV -
Website
Rhys Trillanes -
PureVolume
/
MySpace
Samantha Dalrymple -
Multiply /
MySpace
Tani Carino -
PureVolume
Teng Gonzales -
Blog /
MySpace
If you would like to have your link here, please contact
Bea, Teng, Pat, or
Rhys, but don't expect it to be up the following day. Do give them at least 5
days to work on it as they are very busy kids.
Any song suggestions? Again, contact those four cute kids mentioned earlier.
February 2006
March 2006
April 2006
May 2006
June 2006
August 2006
September 2006
October 2006
November 2006
December 2006
January 2007
March 2007
August 2007